ADVERTISEMENT

MAIN MENU
Already a member?
LOGIN HERE

CHANNEL LIST -> General Discussion

Add this article to your favorite list Send this article to a friend Bookmark this page on your browser

Ano ang Ibig Sabihin ng Salitang LANG o LAMANG?
Posted by Batuts
May 26, 2008


Ang salitang "Lang" o "Lamang". Madalas natin itong naririnig sa bibig ng bawat pilipino. Sa halos bawat pangungusap na ating bibigkasin. Malamang sa hindi, magagamit natin ang salitang ito. Ano nga ba talaga ang ibig sabihin na salitang lang o lamang?

"Sa totoo lang. Hindi ko din alam kung ano ang ibig sabihin na salitang LANG o LAMANG."

Puwede ko rin sabihin ito sa ganitong paraan, "Ang Totoo, hindi ko alam ang ibig sabihin ng salitang LANG o LAMANG"

May ibig sabihin ba talaga ang salitang lang o isa lamang itong palamuti para pagandahin ang tunog ng isang pangungusap?

Ang pagkakaintindi ko ginagamit natin ang salitang "lang" o "lamang" para pababain ang halaga ng isang salita, tulad ng Madili lang o sa Dyip lang.

Subalit sa ganitong pangungusap -> "Hindi lamang sa Luneta natin makikita ang Rebulto ni Dr. Jose P. Rizal, meron din siyang mga rebulto sa iba’t ibang panig ng mundo"

Hindi ko na malaman kung pa’no ginamit ang salitang "lamang", pinababa ba nito ang halaga ng Luneta o Pinataas nito ang halaga ng rebulto ni Dr. Jose P Rizal?

Sensya na po. Naguguluhan lang. Hehehehe.

Posted May 26, 2008 by Batuts in General Discussion | 0 Comments | 371 View(s)


Do you find this article interesting? Send this article to your friend
   Green Cross: A story of perseverance and hardwork Ama, ama bakit mo pa ako ginawa?   

.:. Page Navigation :
USER COMMENTS
.:. Page Navigation :
 
 
You're not logged-in, if you have an account, [login here]. Membership is free! [Register here]
 
Post Comment
Name
Comment Title

BoldCryHorizontal RuleQuoteCenterInsert Image from webInsert URL linkInsert Image URL link  SmileAngrySadwinkCheesyNo CommentHuh?
Text Validation
 Enter the text on the image above.
 
Only in the Philippines
©2008 - All Rights Reserved.
Website developed and maintained by JDC